POVERTY SYNDROME


BULAG, PIPE AT BINGE


  Lahat ng tao ay may mga pangarap at walang sinuman ang hindi nagnanasang umahon sa hirap at maging masagana at mayaman. Kaya lang, di nila alam na sila pala ay may kapansanan. Hindi sa pisikal na kapansanan, kundi isang uri ng kapansanan sa PANG-UNAWA at MOTIVATIONAL.

  Di ka ba nagtataka na ang lakas-lakas mo, ang sipag-sipag mo at ang taas ng IQ mo pero bakit parang ang layo mo pa rin sa SUCCESS eh ang tagal mo na sa trabaho at ginagawa mo? Iyan ay dahil sa di mo nalalamang kapansansan na mayroon ka.

 Sa tatlong CATEGORY lang bumabagsak ang kapansanan ng tao na hindi pa naaabot o malayo pa sa tinatawag na SUCCESS. Ikaw ay maaaring, BULAG, PIPE, o BINGE.

  BULAG ka kung dilat ang mata mong pisikal, PERO di mo makita na wala kang future sa kung ano ang meron ka ngayon. Hindi masama ang trabaho at pagiging empleyado. Pero ang nakakasama ay iyong di mo makita at makwenta na ang sahod mo ay di sasapat para makamtan mo ang pangarap na hangad mo sa buhay, kahit ilang taon pa ang gugulin mo sa iyong kumpanya o amo. Kaya ikaw ay bulag. Tama ba? At ang matindi ay nakukuntento ka na sa ganun at wala kang ginagawang paraan para masolve ang tunay na problema. Hindi ka lang bulag sa pang-unawa kundi BULAG ka rin sa KATOTOHANAN. Ilang taon ba ang kakailanganin mo bago ka magising at maging dilat sa realidad ng tunay na kinakasadlakan mo? Kapag matanda ka na o kaya ay may sakit? Yung tipong di mo na kayang pisikal na makapagtrabaho. Delikado yan bess!

   PIPE ka naman kung ikaw ay ganito: nahanap mo na ang tamang oportunidad na maghahatid sayo sa tagumpay, PERO di mo naman magawang ibukas ang iyong bibig at mai-express ang nais mong sabihin at iparating, ikaw ay mahahalintulad sa isang PIPE. Kahit anong ganda ng oportunidad na mayroon ka ngayon, bastat kulang ka sa pkikipagkapwa-tao at pakikipag-usap sa kanila, malabo na umangat at yumabong ang iyong negosyo. Ang mga tao lang din sa paligid mo kasi ang unang mag-aangat sayo. Yun ang totoo. No man is an ISLAND sabi nga ng kasabihan. Learn to express and communicate. Sila lang din ang tatangkilik at magpapasikat sayo sa kung ano man ang meron ka ngayon. Gets mo ba?

  Ikaw naman ay BINGE kung di ka marunong makinig sa mga babala,pangaral at payo sayo ng mga taong nauna na sa nilalakaran mo. PRIDE will keep you from hearing. Stay humble sa kung ano man ang marating mo, maliit man o malaking tagumpay. "God opposes everyone who is proud, but he blesses all who are humble..." (James 4:6)

 Alin dito ang kapansanan mo? Be honest to yourself para malunasan ang iyong kapansanan, the truth will set you free!

Kung wala ka pang means na maabot ang pangarap mo, LET me help you. 

Tara usap tayo... πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰



GO TO

Awards And Recognitions
The Management
Business Plan
How To Join
Contact Us
FAQ's








Comments

Popular posts from this blog

HOW TO REGISTER AT WCA TRAVEL?

WCA TRAVEL TIPS

ONLINE BOOKING CONCERNS

WCA MANAGEMENT TEAM

Who is WCA TRAVEL?

Tips To Get Pass Through Immigration

WCA - AWARDS AND RECOGNITIONS

8 WAYS OF EARNING THRU WCA TRAVEL

3 GiGANTIC TREND